2022年4月8日 星期五
Tanong 2: Dahil maraming taon na kaming naniniwala sa Panginoon, nadarama namin na basta’t ang isang tao ay mapagpakumbaba, mapagparaya at mapagmahal sa mga kapatid, at masusunod niya ang halimbawa ni Pablo sa pamamagitan ng paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, sinusundan niya ang daan ng Panginoon, at madadala siya sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon. Tulad ng sabi ni Pablo, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Pero nasaksihan n’yo na kapag naniniwala tayo sa Panginoon, kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kapag tumatanggap tayo ng paglilinis, pupurihin tayo ng Diyos at tatanggapin sa kaharian ng langit. May tanong ako: Naniniwala kami sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon, at gumugugol at nagsisikap kami para sa Panginoon; makakapasok ba kami sa kaharian ng langit nang hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?
訂閱:
張貼留言 (Atom)
沒有留言:
張貼留言