2022年4月30日 星期六
2022年4月29日 星期五
2022年4月27日 星期三
2022年4月26日 星期二
2022年4月25日 星期一
2022年4月24日 星期日
2022年4月23日 星期六
2022年4月22日 星期五
2022年4月21日 星期四
2022年4月20日 星期三
2022年4月19日 星期二
2022年4月18日 星期一
Tanong 4: Nagpapatotoo kayo na, sa panlabas na anyo, ang Diyos na nagkatawang-tao ay kamukha ng isang karaniwang tao, tulad ng Panginoong Jesus Mismo, hindi lamang Siya nagtataglay ng normal na pagkatao, kundi mayroon ding pagka-Diyos. Ito ang tiyak. Ano ang pagkakaiba ng normal na pagkatao ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ng tiwaling tao?
Tanong 3: Ang Panginoong Jesus na aming pinaniniwalaan ay pagkakatawang-tao ng Diyos. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos ng Diyos, walang mangangahas na itatwa ito, pero itong Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay hindi kailangang ang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil walang nakatalang Makapangyarihang Diyos sa Biblia. Kaya nga, sinasabi ng mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig na Siya na pinaniniwalaan ninyo ay tao lamang, na kayo ay naloko. Tanging ang Panginoong Jesus, na aming pinaniniwalaan, ang Cristo, ang Anak ng Diyos! Ang Makapangyarihang Diyos na inyong pinaniniwalaan ay isang tao lamang, paano nangyari ito?
Tanong 2: Dahil napakinggan ko ang inyong pagbabahagi at patotoo sa mga araw na ito, malinaw na sa akin na ang ikalawang pagdating ng Panginoon sa mga huling araw ay ang pagkakatawang-tao dito para gawin ang gawain ng paghatol. Ngunit hindi natin nauunawaan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao at madaling malinlang ng mga usap-usapan at mga kamalian ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder ng relihiyosong daigdig. Bilang resulta, tatratuhin natin ang Diyos na nagkatawang-tao bilang isang tao lamang at kakalabanin at lalapastanganin pa Siya. Kaya, nais kong magtanong sa inyo tungkol sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. Ano ang pagkakatawang-tao? Ano ang pagkakaiba ng nagkatawang-taong Cristo at ng mga propeta at mga apostol na ginamit ng Diyos?
Tanong 5: Noong Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao para maging alay sa pagtubos ng kasalanan at pasanin ang kasalanan ng tao. May katwiran ang lahat ng ito. Ang Panginoong Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at naging Anak ng tao upang tubusin ang sangkatauhan sa Kanyang katawan na walang kasalanan. Sa paggawa niyon lamang napahiya si Satanas. Sa mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol. Nakita nating tunay na nangyari ito. Ito ang gusto kong itanong. Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay medyo magkaiba, ang una ay sa Judea, at ang pangalawa ay sa Tsina. Ngayon, bakit kailangang dalawang beses na magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang pagliligtas sa sangkatauhan? Ano ang tunay na kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos?
2022年4月17日 星期日
2022年4月16日 星期六
2022年4月15日 星期五
Tanong 4: Nabasa namin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita na may ilang mga bagay na napakabagsik. Ito ang paghatol ng sangkatauhan, at pagkondena at sumpa. Sa palagay ko, kung hinahatulan at isinusumpa ng Diyos ang mga tao, hindi ba sila huhusgahan at parurusahan? Paanong masasabi na ang uring ito ng paghatol ay upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan?
2022年4月14日 星期四
2022年4月13日 星期三
Tanong 1: Nagpapatotoo kayo na nagbalik na ang Panginoong Jesus na walang iba kundi ang Makapangyarihang Diyos na nagpahayag ng katotohanan sa paggawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Paano naging posible ’yan? Talagang paparito ang Panginoon para dalhin tayo sa kaharian ng langit, paano Niya tayo maiiwan para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Palagay ko sa pananalig sa Panginoong Jesus at pagtanggap sa gawain ng Banal na Espiritu, nararanasan na natin ang gawain ng paghatol ng Diyos. May patunay sa salita ng Panginoong Jesus: “Kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung ako’y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:7–8). Palagay namin matapos mabuhay na mag-uli at umakyat sa langit ang Panginoong Jesus, noong Pentecostes bumaba ang Banal na Espiritu para magsagawa sa mga tao. Iyan ang dahilan kaya sinisi ng mga tao ang kanilang sarili dahil sa kanilang mga kasalanan, sa pagkamatuwid at paghatol. Kapag nangumpisal at nagsisisi tayo sa harap ng Panginoon, talagang nararanasan natin ang paghatol ng Panginoon. Naniniwala tayo na bagama’t ang gawain ng Panginoong Jesus ay gawain ng pagtubos, matapos umakyat sa langit ang Panginoong Jesus, ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu na bumaba noong Pentecostes ay dapat maging gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kung hindi ito naging gawain ng paghatol, paano nangyaring “kanyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol”? Bilang nga nananalig sa Panginoong, madalas tayong antigin, pagsabihan at disiplinahin ng Banal na Espiritu. Kaya, sa harap ng Panginoon, lagi tayong umiiyak at nagsisisi sa Panginoon. Ang maraming mabubuting asal na ibinubunga nito ay kung paano tayo nabago ng ating pananampalataya sa Panginoon. Hindi ba ito ang resulta ng pagdanas ng paghatol ng Diyos? Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na binabanggit n’yo, iba pa ba ito sa gawain ng Panginoong Jesus?
Tanong 8: Sa loob ng 2,000 taon, pinagtibay ng mga relihiyon ang pininiwala na ang Biblia ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, na lahat ng iyon ay salita ng Diyos, kaya kinakatawan ng Biblia ang Panginoon. Yaong mga nagkakaila na ang Biblia ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos at ang Kanyang salita ay talagang huhusgahan at tatawaging erehe (heretic) ng mga relihiyon. Ang pagkaunawa ko ba rito ay mali?
Tanong 7: Pinatototohanan n’yo na dumating na ang Panginoong Jesus at Siya ang Makapangyarihang Diyos. At na nagpahayag Siya ng maraming katotohanan at nagsasagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Palagay ko imposible ’yan. Lagi nating pinaninindigan na ang mga salita at gawain ng Diyos ay nakatala sa Biblia, at ang mga salita at gawain ng Diyos ay hindi maaaring umiral sa labas ng Biblia! Nananalig kami na nasa Biblia na ang kaganapan ng pagliligtas ng Diyos, ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos. Basta’t sumunod ang isang tao sa Biblia, papasok siya sa kaharian ng langit. Ang ating paniniwala sa Panginoon ay nakabatay sa Biblia, ang paglihis mula sa Biblia ay bumubuo ng pagtanggi at pagtataksil sa Panginoon! May mali ba sa pagkaunawang ito?
2022年4月12日 星期二
2022年4月11日 星期一
Tanong 5: Ginawang napakalinaw ni Pablo sa 2 Timoteo na “ang buong Biblia ay kinasihan ng Diyos” (2 Timoteo 3:16). Ibig sabihin nito na ang bawat salita sa Biblia ay ang salita ng Diyos, at kinakatawan ng Biblia ang Panginoon. Ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia. Ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon. Ang paglayo mula sa Biblia ay nangangahulugan ng hindi paniniwala sa Panginoon! Hinihingi lamang ng ating paniniwala sa Panginoon na manalig tayo nang matatag sa Biblia. Kahit na hindi natin tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, maaari pa rin tayong maligtas at makakapasok sa kaharian ng langit. May anumang pagkakamali ba saganitong pag-unawa?
2022年4月10日 星期日
2022年4月9日 星期六
2022年4月8日 星期五
Tanong 2: Dahil maraming taon na kaming naniniwala sa Panginoon, nadarama namin na basta’t ang isang tao ay mapagpakumbaba, mapagparaya at mapagmahal sa mga kapatid, at masusunod niya ang halimbawa ni Pablo sa pamamagitan ng paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, sinusundan niya ang daan ng Panginoon, at madadala siya sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon. Tulad ng sabi ni Pablo, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Pero nasaksihan n’yo na kapag naniniwala tayo sa Panginoon, kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kapag tumatanggap tayo ng paglilinis, pupurihin tayo ng Diyos at tatanggapin sa kaharian ng langit. May tanong ako: Naniniwala kami sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon, at gumugugol at nagsisikap kami para sa Panginoon; makakapasok ba kami sa kaharian ng langit nang hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?
2022年4月7日 星期四
2022年4月6日 星期三
Tanong 1: Pinatototohanan n’yo na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at na Siya ay nagpakita at gumawa sa China, naniniwala ako na ito ay totoo dahil ito ang ipinropesiya ng Panginoong Jesus sa Biblia: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). Pero palagay namin babalik ang Panginoon sa mga huling araw para dalhin tayo sa kaharian ng langit, o dapat man lang Niya tayong iangat sa mga ulap para salubungin Siya sa hangin. Tulad nga ng sinabi ni Pablo sa Biblia, “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay titipuning kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailanman” (1 Tesalonica 4:17). Pero bakit hindi pa dumarating ang Panginoon na tulad ng nakasaad sa Biblia? Ano ang kinalaman ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pagdadala sa atin sa kaharian ng langit?
2022年4月5日 星期二
Tanong 2: Matagal na naming narinig na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpatotoo na tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. At Siya ang Makapangyarihang Diyos! Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumaganap sa Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, ngunit karamihan sa mga tao ng mga relihiyosong lipunan ay naniniwala lahat na babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap. Ito ay dahil malinaw na nagsabi ang Panginoong Jesus na: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Ipinropesiya rin ng Libro ng Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya” (Pahayag 1:7). Pinananatili ko rin ang paniniwalang babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap upang direkta tayong dalhin sakaharian ng langit. Tinatanggihan namin ang Panginoong Jesus na hindi bumaba nang nasa mga alapaap. Sinasabi ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay pagbabalik sa katawang-tao at pagbaba nang palihim. Ngunit walang nakakaalam tungkol dito. Gayunman, ang lantarang pagbaba ng Panginoonnang nasa mga alapaap ay ganap! Kaya hinihintay naming bumaba ang Panginoonnang nasa mga alapaap at lantarang magpakita upang dalhin tayo nang direkta sa kaharian ng langit. Tama ba ang aming pag-unawa o hindi?
2022年4月4日 星期一
2022年4月3日 星期日
2022年4月2日 星期六
2022年4月1日 星期五
訂閱:
文章 (Atom)